When: 13 Sep 2009
Where: Jeepney Vito Cruz Mabini - Cubao route
What: Sa may metropolitan, habang yung jeep na sinasakyan namin ay papunta na sa tulay ng Quiapo, may sumakay na dalawang lalaki, magkahiwalay sila, yung isa sa may driver nakasakay (front seat) tapos yung isa sa likod ng jeep umupo. Ginising ako ni Clyde, sabi nya sa Quiapo na kami bumaba.. nagulat ako kasi alam ko hanggang Banawe yung binayad namin.. Saka ko narealize na may nakaambang panganib sa 6 na pasahero ng jeep, sa driver at sa "kunduktor" nito. Lahat ng pasahero biglang nakiramdam.. Thank God, nung malapit na yung jeep sa pababang part nung tulay, sabi nung lalaking nasa unahan.. "Tara lipat tayo.." habang nakatingin sa kasama nya gamit ung head mirror ng jeep. Pagkababa nung dalawa, nareact na yung mga pasahero, saka din sinabi sakin ni Clyde na holdaper yung kasakay namin.. Hindi ako makapaniwala kasi wala silang dalang kahit ano.. Ganun na pala modus nila.. Ang alam ko lang kasi dati, pag kahinahinala at may dalang bag.. dapat na kong mag-ingat at bumaba agad ng jeep. Hanep tong mga salot sa lipunan na to.. kahit sarili lang ang dala, at concealed weapon kaya nang dumale ng jeep! Pinaalalahan ako ni Clyde na mag-ingat lalo na't malapit nang mag December.. Siguradong maglilipana na naman ang mga kumag na nilalang, hindi lang sa Quiapo kundi kahit saan basta pwede silang mambiktima.
Hindi pa nakakalayo yung jeep, akalain mo, pulis naman ang humuli! Hindi ko alam kung anung violation ang naimbento ni mamang pulis (si Manong driver kasi tumambay pa sa Quiapo). Sa point of view ko, pinilit kikilan ng pulis ung driver, kinuha nya yung ang lisensya nung driver at saka lumayo.. Syempre alam na.. yung "kunduktor" nung jeep bumaba at pumunta sa pulis (sa pagkakadining ko eh may 50 pesos na dala yung "kunduktor", katumbas ng halos 2 litrong gasolina or lunch ng manong driver). May lumapit na takatak boy (yung nagtitinda ng yosi sa kalye) sa manong driver at nanghihingi ng pera sa kanya.. Sya pala yung KUBRADOR ni Manong pulis! Ahaha ibang klase din! Para nga naman hindi mahuli na nangongotong sila may taga kubra sila. Balita ko nireremit itong perang to sa "higher officials" parang suhol din ata ng lower class para hindi sila laging ilagay sa field duty. Grabe talaga!
Ang masasabi ko lang.. kawawang driver, nakaligtas nga sa holdaper pero sa buwaya hindi... May pag-asa pa kayang magbago ang mga taga-Quiapo?
No comments:
Post a Comment